221

By

Bunso ni Jean Garcia, future heartthrob

Matapos ilabas sa publiko ni Marjorie Baretto ang bunso niya sa pamamagitan ng Instagram, ipinakita na rin ni Jean Garcia ang kanyang bunso sa kanyang IG account.

Nagposte si Jean nang short selfie video niya na kuha sa set nang ginagawa nitong serye sa GMA 7 ang “Kambal Karibal”.

Makikita sa video na nasa likod ni Jean ang isang binatilyo na naka-hoodie at nakasuot ng salamin.

Sabi ni Jean na sinorpresa sya nang anak sa set ng serye nila dahil hindi na sila nagkikita nito.

@chic2garcia, “Surprise visit from my son @_kotaroshimizu sa set namin ng #KambalKaribal dahil halos hindi na kami nagkikita ng 2 weeks because of work! From school derecho na siya dito. Ayieee, katuwa naman itong anak ko! Maraming salamat honey, I love you!”

In fairness, puwedeng maging matinee idol o heartthrob ang anak na ito ni Jean dahil napakaguwapo nito.

Ang ganda nang kumbinasyon ng dugo ni Jean at sa dati niyang boyfriend na Japanese noong nagdya-Japan pa ang aktres.

Kung papayagan lang ni Jean ang anak na mag-artista marami itong kakabuging young actor sa GMA 7.

Pero siyempre, sa ngayon mas gusto ni Jean na mag-aral muna ang anak bago nito gawin ang iba pa nitong pangarap sa buhay, kung kasama dito ang paga-artista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?