116

By

Bunso, 2 apo ni Duterte naturukan ng Dengvaxia

Sharing is caring!

Naturukan ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine ang bunsong anak at dalawang apo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ni Presidential Assistant to the President Bong Go na positibong nabigyan ng bakuna sa Dengue si Veronica “Kitty” Duterte at dalawa sa limang anak ni dating Davao City Mayor Paolo Duterte pero hindi nito alam kung nakumpleto ng mga bata ang 3 “doses” ng nabanggit na bakuna.

Si Kitty ay ang nag-iisang anak ni Duterte sa common-law partner nito na si Honeylet Avanceña.

Matatandaang ipinatigil ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng Dengvaxia sa mga bata noong nakaraang Disyembre matapos na aminin ng manufacturer na Sanofi Pasteur na posible itong makasama sa mga hindi pa nagkakaroon ng sakit na Dengue.

Base sa record ng DOH, tinatayang 891,000 na bata na may edad na 9 na taon at pataas at nag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila, Luzon at Visayas ang nabakunahan ng Dengvaxia mula nang ilunsad ito noong April 2016.

Sa nasabing bilang, 87 na sinasabing namatay sa Dengue at iba pang sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?