44

By

Bungo ng rapper nahati sa pagsabog ng drug lab, buhay

Kinailangang tapyasin ang malaking parte ng bungo ng isang rapper matapos ang naganap na pagsabog sa kanyang homemade drug laboratory.

Ayon sa Daily Mail report, tumilapon sa kanyang Cologne recording studio ang German rapper na si Dr. Knarf, na Niko Brenner ang tunay na pangalan, matapos sumabog ang mga bote na may lamang highly flammable propane gas.

Ginagamit ni Knarf ang gas sa kanyang DIY drug laboratory para makagawa ng highly concentrated form ng cannabis extract.

Sa kabila naman na malaking bahagi ng bungo niya ang natigpas at paralisado ang kalahati ng kanyang katawan, nananatiling positibo ang 35-anyos na si Knarf.

Nag-aaral na siyang maglakad at maglalabas ng bagong album na “Prometheus” sa 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?