43
abante-tnt-vismin-school-supplies1
By

Bundle packs ng school supplies, mas matipid – DTI

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga magulang at mag-aaral na bumili na lang ng mga naka-bundle o promo packs na gamit pang-eskuwela.

Ayon kay DTI Consumer Protection Group Usec. Ruth Castelo, base sa kanilang inspeksiyon at monitoring, aabot sa P30.75 ang matitipid kung ang bibilhin ay mga bundle packs.

Paliwanag ni Castelo, ang bundle packs ay magkakasamang pangunahing school supplies tulad ng notebook, lapis o ballpen, maging art materials.

Sinabi pa nito na ang halaga ng matitipid ay depende sa brand na bibilhin.

Una nang inamin ng DTI na may pagtaas sa presyo ng mga notebook, notepad at iba pang school supplies dahil sa mas mahal na raw materials at dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Ngunit ibinahagi rin ni Castelo na sa pakikipag-usap nila sa mga gumagawa ng papel, hindi na sila magtataas ng presyo hanggang sa katapusan ng taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?