84

By ,

Bundit ‘di kuntento sa estado ng Creamline

Masaya si Thai coach Tai Bundit sa muling pagbabalik bilang head coach ng Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference.

Nagbalik Creamline si Bundit matapos sibakin ang Chinese coach nito na si Huanning Li nang matalo sa unang laro.

“I’m happy because Creamline is my team and Creamline boss [is] a very good boss and always help me,” sabi ni Bundit sa mga reporter.

“[I’m] not thinking everything [but] stay focus and happy. If you’re happy and focus you can win but need time to tune up [together] again.”

Matatandaan na isa sa mga dahilan ng pag-alis ng Thai coach sa bansa ay ang kanyang pamilya pero ngayon ay pinayagan na siya ng asawa niyang bumalik dito matapos makapasok ang kanyang anak sa top 5 na high school sa Thailand.

Magiging mahirap aniya ang pagsungkit muli ng kampeonato sa bansa dahil kailangan niyang sanayin nang mas maigi ang kanyang tropa dahil marami pa itong kulang at pagkakamali.

“This is not easy because [I] need to tune my because my team don’t have a receive and we need think fighting first and not thinking championship again,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?