8
views
full-metal

Bumida sa ‘Full Metal Jacket’ pumanaw na

Sharing is caring!

Sumakabilang-buhay na ang US actor at retired Marine na si R. Lee Ermey, na kilala sa ginampanan niyang karakter na si Gunnery Sergeant Hartman sa 1987 movie na “Full Metal Jacket”.

Pumanaw siya sa edad na 74.

Komplikasyon umano sa pneumonia ang kinamatay ni Ermey, ayon sa manager na si Bill Rogin.

Si Ermey din ang nasa likod ng mga boses sa “Toy Story” bilang plastic soldier na si Sarge, at sa “The Simpsons” kung saan binigyang-boses niya si Leslie Hapablap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?