15

By

Bumbero at kanyang utol swak sa droga

Sharing is caring!

Swak sa piitan ang isang bumbero at ang utol nito, kasama ang apat na iba pa sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Novaliches,Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., ang nadakip na si Fire Officer 1 Rudy Remigio, 47-anyos, at ang kapatid nito na si Enrico Remigio, 38-anyos.

Kabilang sa nadakip ay nakilalang sina Alfredo Mandioya, alyas Toyo, 28, ng No. 27 Pedro Bukanig St., Brgy. Sta Lucia, Novaliches, QC, Mark Joseph Busa, 24, dating drug surrenderee, ng 27 Pedro Bukanig St., Brgy. Sta Lucia, Novaliches, Eric John Castro, 24, ng No. 25 Visayas Avenue, Brgy. Sta Lucia, Novaliches at Analiza Eradel, 33, ng No. 23 Pugong Ginto St., Sitio Aguardiente, Brgy. Sta Monica, Novaliches, QC.

Ayon kay Supt. Benjamin Gabriel, hepe ng Fairview Police Station, dinakma ang magkapatid na Remigio sa aktong bumibili ng shabu kay Mandioya sa Pedro Bukanig St., Brgy. Sta. Lucia Novaliches, dakong alas-10:00 ng gabi.

Nabatid na ang bumbero at kapatid nito ay regular na kliyente na bumibili ng shabu kay Mandioya na may warrant of arrest sa paglabag sa RA 9165 at City Ordinance 5121.

Si FO1 Remigio ay nakatalaga sa Office of the Regional Director, BFP-NCR bilang Fuel Wagon Crew ng General Services at pumasok sa serbisyo noong 1999.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu at buy-bust money.

Nakapiit ngayon sa QCPD detention cell ang mga nasabing suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?