98

Jul 17, 2018 @ 17:05
By

Bumbay minartilyo ng bayaw, patay

Binalak pa umanong sunugin ng kanyang bayaw ang bangkay ng isang 27-anyos na Indian national matapos itong hatawin ng martilyo at mapatay sa Barangay Centro West, Santiago City kahapon.

Ayon sa report, namatay sa pukpok ng martilyo si Jundi Singh ng kanyang bayaw na si Surinder Singh, 40, na binalak pa umanong sunugin ang katawan ng biktima bago ito tumakas sa kanilang apartment.

Agad namang nasupil si Surinder ng mga awtoridad matapos isuplong ng isang informant.

Duguan pa umano ang damit ng suspek nang maaresto ito ng mga awtoridad.

Kasalukuyan pa umanong iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang motibo ng krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?