68

Jan 17, 2021 @ 18:32
By

Bumagsak na helicopter sa Bukidnon luma na – PAF

Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na luma na ang helicpoter na bumagsak sa Bukidnon ngunit anila, puro bago ang parte ng naturang behikulo.

“‘Yong sinasabi natin na may kalumaan na, which is true naman po talaga. Pero ito pong mga equipment po natin, when it comes to part and component, puro brand new po yan,” saad ni PAF Spokesperson Lt. Col. Aristides Galang sa isang panayam.

Bumagsak ang Huey UH-1H helicopter sa bundok ng Sitio Nahigit, Bgy. Bulonay, Bukidnon kahapon.

Nasawi ang pitong sakay nito at dinala sa punerarya sa Malaybalay.

Ayon sa ulat, galing 403rd Infantry Brigade headquarters sa Malaybalay City ang naturang helicopter at patungo sanang Impasug-Ong upang maghatid ng kanilang mga suplay sa kampo.

Kasalakuyan nang pinaplano ng PAF ang pagsasagwa ng imbestigasyon hinggil insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?