13

Dec 3, 2021 @ 11:52
By

Bumaba sa 43 aktibong kaso ng Covid 19 sa PNP

Bumaba na sa bilang na 43 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) dahil sa paggaling ng anim na pasyente.

Nakapagtala ang PNP ng 42,201 kumpirmadong kaso ng COVID-19, kung saan 42,033 ang nakarekober.

Ayon sa Public Information Office ng PNP (PNP-PIO), apat ang nadagdag na bagong kaso ng coronavirus nitong Huwebes.

Wala sa mga nahawang pasyente ang nasawi at nananatili sa bilang na 125 ang mga namatay. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?