66

Apr 16, 2020 @ 16:04
By

Bumaba benta sa COVID: Apple naglabas ng murang iPhone

Nag-release ang Apple ng bagong iPhone na higit na mas mura sa mga inilabas nilang model kamakailan.

Inilunsad noong Miyerkoles ang second-generation ng iPhone SE na ibebenta lang sa halagang $399.

Batay sa website ng iPhone, nasa P26,000 ang presyo nito sa Pilipinas.

40 porsiyento itong bagsak presyo mula sa “most affordable” iPhone 11 na inilabas noong nakaraang taon.

Magsisimula umano ang online order para sa iPhone SE sa Abril 17.

Ayon sa Apple, napagdesisyunan nila ito dahil sa pagbaba ng kanilang benta sa pandemic kung saan pigil sa paggastos ang mga tao.

“Apple faced a tough decision to make and ultimately decided to release and green light this smart phone to the market in hopes of gaining contained success out of the gates,” ani Wedbush Securities analyst Daniel Ive sa isang pahayag.

Napa-wow naman ang ilang netizen dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?