9

By

Bulut gagapusin ang 3×3 Olympic gold

Sharing is caring!

Tanghaling unang kampeon ng 3X3 event sa paparating na Olympics ang target ni Dusan Bulut ng Serbia.

“Thank you so much for asking that question about the 3X3 in Olympics during the media conference,” sabi ni Bulut. “I’ve been wanting to know about the qualifying and it’s good to know that here in the Philippines 3X3 World Cup. It’s been my inspiration to have that Olympic gold ever since the sports was included in the Games.”

Una nang isinali ang larong 3X3 sa Youth Olympic Games na ginanap sa Singapore noong 2010 bago na lamang ito naidagdag bilang pinakabagong regular na sports na paglalabanan sa 2020 Tokyo Olympics.

“That Olympic gold will justify that we are the best in the world,” sabi ng world number 1 at tatlong beses tinanghal na kampeon, pinakahuli ang katatapos lamag na 2018 FIBA 3X3 World Cup na isinagawa dito sa Pilipinas.

Kinilala din si Bulut kasama si Rae Lin D’Alie ng Italy bilang mga tournament MVP.

Binitbit ni Bulut ang Serbia sa ikatlong sunod na kampeonato mula sa itinala nitong pitong puntos sa 16-13 panalo kontra sa Netherlands sa men’s final. Tumapos ito na ikaapat na best scorer sa torneo sa natipon na 48 puntos sa pagbibigay sa Serbia ng ikaapat nitong titulo sa nakalipas na limang taon. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?