93

Nov 23, 2018 @ 18:47
By

Bully na Turkish national, type masipa ni Mayor Binay

Nais ni Makati City Mayor Abby Binay na mapalayas ng bansa ang Turkish national na nanakit ng isang local traffic enforcer.

Sinabi ni Binay na pinaaasikaso na niya sa kanilang legal department sa Bureau of Immigration ang deportation ni Yuksel Ibrahim.

Nasa kustodiya ngayon ng Makati City Police si Ibrahim matapos itong kasuhan ng direct assault, threat, resisting arrest at malicious mischief.

Ikinuwento ni Binay na alas-singko ng kahapon nang sitahin ni Michael Orcino, tauhan ng Makati Public Safety Department si Ibrahim sa kanto ng Gil Puyat Avenue at Bautista Street nang mahagip ang kanyang braso ng minamanehong kotse ng banyaga.

Nangyari ang pananakit kay Orcino nang hingin niya ang lisensiya ni Ibrahim.

Dahil walang lisensiya, tinangka pa ng banyaga na tumakas ngunit iniharang ni Orcino ang kanyang motorsiklo sa sasakyan ni Ibrahim.

Pinuri naman ni Binay si Orcino sa pagtupad sa kanyang tungkulin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?