44
abante-tnt-vismin-zhao-jianhua
By

Bully na Chinese coast guard, ipapakain sa isda – Chinese diplomat

Inihalintulad ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa bulok na mansanas ang tauhan ng kanilang Coast Guard na sinasabing nam-bully ng mga mangingisdang Filipino sa Panatag Shoal.

Ginawa ni Zhao ang pahayag matapos nitong makausap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kawit, Cavite sa pagdalo nila ng selebrasyon ng ika-120 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sinabi pa ng opisyal na kapag napatunayan ang kanilang ginawa, itatapon sa dagat ang mga Chinese Coast Guard personnel para ipakain sa mga isda.

Paglilinaw ni Zhao, didisiplinahin ang kanilang tauhan base sa kanilang batas.

Pagtitiyak din nito na ang maaaring mangisda sa pinag-aagawang teritoryo ay ang mga Filipino ayon sa kasunduan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Kinumpirma nito na ang isyu ang napag-usapan nila ni Pangulong Duterte sa Kawit at aniya nagpahayag ito ng pagkabahala sa pang-aagaw ng mga Chinese ng isda sa mga Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?