17

Oct 26, 2021 @ 12:33
By

Bulls tuloy ang arangkada! Inararo Raptors

Tuloy ang mainit na umpisa ng Chicago Bulls sa season matapos gibain ang Toronto Raptors, 111-108, para iangat ang kanilang kartada sa 4-0.

Nagsanib-pwersa sina DeMar DeRozan at Zach Lavine para tulungan ang Bulls na makuha ang manibela sa second quarter at kontrolin na ang laban sa kabila ng tangka ng Raptors na makadikit sa dulo.

Tumapos si DeRozan ng may 26 points, apat na rebounds at anim na assist, habang nag-ambag si Lavine ng 22 points, apat na rebounds at limang assists.

Kaya naman malinis pa rin ang kartada ng Bulls at nasa unahan ng Eastern Conference.

Dinala naman ni OG Anunoby ang laban ng Raptors sa kanyang 22 points at walong rebounds, habang nagdagdag pa si Gary Trent Jr. ng 18 points tampok ang apat na tres ngunit kinulang sila ng bala sa dulo ng laban.

Bumagsak ang Raptos sa 1-3 kartada. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?