7

Mar 31, 2018 @ 18:26

Bulls, tinapos ang 7-game losing streak sa pagbura sa Magic

Kapwa nagtala ng 13 points sina rookie Lauri Markkanen at Sean Kilpatrick para tapusin na ang pitong larong pagsemplang ng Chicago Bulls sa pagbasura sa Orlando Magic, 90-82, Biyernes ng gabi.

Ang 3-pointer ni Ryan Arcidiacono ang naging simula ng 14-0 run sa fourth quarter ng Bulls, na nakakuha ng abante na 80-71 para kapitan ang apat na larong pagwalis sa Magic.

Si Aaron Gordon ang nanguna sa Magic sa inilistang 18 points, pero nanlamig na siya sa halos anim na minuto sa fourth quarter. (AP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?