41

Oct 31, 2019 @ 9:33
By

Bulldogs kinatay uli ni Suerte, Warriors

Nagtapos sa panalo ang karera ni Rey Suerte at UE Red Warriors sa muling paglusot sa NU Bulldogs, 79-77, sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2nd round elims Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

Sa pagtapos ng Warriors sa kampanya sa 4-10 win-loss mark, pumampito ito kakartada ang pumang-anim na Adamson Soaring Falcons kung saan natalo sila quotient, habang nangulelat sa 2-12 ang Nat’l U.

Sa huling 5.8 segundo, pakawala si Suerte ng isang three-point shot para makalayo sa Bulldogs 78-74, bago sumagot naman si JV Gallego ng three-point sa 0.2 oras.

Nagtala si Suerte ng 28 points at 6 rebounds, samantalang umalalay si Alex Diakhite ng 17 pmarkers at 12 boards.

“Wala ganon talaga, how I wish we could have done better but after going in to the 14 games, just give it to mga ibang teams, they are really head and shoulders above us,” suma ni UE active consultant Lawrence Chongson.

Papuri rin si Chongson sa kanyang mga one-and-done na sina Suerte at Jed Mendoza at graduating Philip Manalang at Nick Abanto.

“Gusto ko lang pasalamatan yung seniors, mga last playing year. Salamat sa memory, yung panalo nakadagdag for whatever purpose they serve. Nakadagdag lang dun sa storya. At least maghihiwalay kaming mga nakangiti kahit napapagod, bitter-sweet. Walang samaab ng loob. Hindi ganun kalungkot,” awakas niya.

Tenbits para sa Bustillos-based squad ang tig-20 points nina Gallego at Dave Ildenfonso. Pati ang 10 pts., 13 rebs ni Issa Gaye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?