68

Sep 29, 2017 @ 22:00

Bulldogs iniwan ng Tams

Humakbang sa solo fourth ang Far Eastern University matapos suwagin ang National University 90-83 kahapon sa 80th UAAP basketball sa Smart Araneta Colesium.

Sinandalan ng Tamaraws ang 23 points ni Arvin Tolentino para sikwatin ang 3-2 karta at ilaglag sa pang-limang puwesto ang Bulldogs kasama ang 2-3 card.

Nalasap ng NU ang pangalawang sunod na talo.

Nahawakan ng Tamaraws ang 70-55 lead 3:40 pa sa third quarter matapos isalpak ni Tolentino ang kanyang pandiin na tres.

May huling kikig ang Bulldogs, naibaba sa lima ang hinahabol pero muling umiskor ng layup si Tolentino para sa 88-81 bentahe ng FEU, 1:08 na lang sa laro.

Nahimasmasan si FEU coach Olsen Racela pagkatapos ng laro dahil ayon sa kanya kailangan nila ang panalo.

“We need this win badly,” wika ni Racela. “Compared to our past games, we played consistently in this game.”

Nag-ambag sina Axel Inigo at  Barkley Ebona ng 12 at 10 markers sa Tams.

May tig-nine points din sa FEU sina Wendell Comboy at Jasper Parker.

Kumana si J-Jay Alejandro ng 23 points, five rebounds at four assists para sa Bulldogs. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?