49

Oct 16, 2017 @ 16:44

Bulldogs four-peat sa Badminton

Sinagpang ng NU ang pang-apat na sunod na kampeonato sa men’s pagkatapos bokyain ang UP 3-0 sa UAAP Season 80 badminton tournament kahapon sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Muling kinumpleto ang perfect season nang ilista ang 35th straight win, inakbayan pa ng Bulldogs ang biktimang Fighting Maroons bilang may pinakamaraming championships sa lima.

Sa women’s side, sinopresa ng De La Salle ang titleholder UP 3-2 sa likod ng panalo nina singles players Arianne Rivera, Nicole Albo at Iyah Sevilla.

May tsansa ang Lady Shuttlers na panain ang panlimang titulo – pero una sapul noong 2009 – kapag nagawang tapusin ang three-year reign ng Lady Maroons sa isa pang laro sa parehong venue sa Huwebes.

Sinelyuhan nina MVP Alvin Morada at Alem Palmares ang titulo ng NU sa bisa ng 21-17, 21-14 panalo kina JM Bernardo at CK Clemente sa first doubles.

Naitawid din ni Morada ang second singles match niya kay Vinci Manuel 21-12, 21-16, pagkatapos ng come-from-behind 13-21, 21-17, 21-10 win ni Mike Minuluan kay Bernardo.

Si Carmelo Joseph Lunod Jr. ng UP ang Rookie of the Year.

Inaasahang mas malakas pa sa pagdepensa ng korona ang Bulldogs sa susunod na taon dahil babalik si last year’s MVP Leeward Pedrosa. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?