43

Oct 6, 2017 @ 15:37

Bulldogs biyaheng badminton finals

Piniga ng men’s titleholder National U ang UE 5-0 para dumiretso na agad sa championship round ng UAAP Season 80 badminton tournament kahapon.

Nagwagi sa singles sina Alvin Morada, Kee­yan Gabuelo at Alem Palmares, sa doubles ay ang tandems nina Christian Cuyno at Mike Minuluan, at Morada at Palmares para sa Bulldogs na undefeated sa anim na ties sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Magkakaroon ng mahabang pahinga ang NU bago sumalang sa best-of-three championship series.

May 33 consecutive ties victories na ang Bulldogs simula pa noong 2014.

Nakopo ng UP (5-1) ang twice-to-beat bonus sa stepladder semis matapos paluhurin ang De La Salle 4-1.

Binokya din ng UST ang Ateneo 5-0 win sa last elimination round tie para selyuhan ang third semis berth.

Kasalo ng Growling Tigers ang Green Archers at Blue Eagles sa 3-3 cards, pero nasikwat ng España-based shuttlers ang No. 3 ranking dahil lamang sila sa quotient.

Magbabakbakan ang De La Salle at Ateneo sa natitirang semis slot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?