12

Feb 19, 2021 @ 19:22

Bulkang Taal nanatili sa Alert Level 1

Naitala ang siyam na pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Anila, nagtagal ang mga pagyanig mula 70 hanggang 80 segundo.

“Activity in the Main Crater consisted of weak emission of white steam-laden plumes from fumaroles that rose 40 meters high,” saad ng ahensya sa kanilang bulletin ngayong araw.

Buhat nito, nanatili ang naturang bulkan sa Alert Level 1.

“DOST-Phivolcs reminds the public that at Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within the Taal Volcano Island (TVI),” pahayag nila.

Matatandaang puwersahang ipinalikas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Agoncillo, Batangas ang mga residente sa isla ng Taal Volcano noong Martes matapos maobserbahan ang pagtaas ng mga seismic activity ng naturang bulkan sa loob ng 24 oras.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/mga-residente-sa-isla-ng-taal-volcano-inilikas/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?