7

By

Bulkang Mayon, nagbuga ng abo

Sharing is caring!

Nagkaroon ng phreatic explosion ngayong Linggo ang bulkang Mayon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bumuga ng may 500 metrong taas ng abo mula sa bunganga ng bulkan.

Nangyari umano ang pagsabog ng bulkan alas-12:34 ng hapon.

Ang naganap umanong phreatic explosion ngayong Linggo ang nagpatibay sa kanilang rekomendasyon na huwag ibaba ang alert status sa Mayon Volcano dahil nagpapakita pa ito ng abnormalidad.

Nananatili sa Level 2 ang alert status sa bulkan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?