Bulkang Mayon
By

Bulkang Mayon bumuga ng abo, mga residente inalerto

Sharing is caring!

Naghasik ng tensiyon sa mga residente na naninirahan sa gilid ng Bulkang Mayon ang biglaang pagbuga ng makapal na abo at usok mula sa bunganga nito, ngayong Sabado ng hapon, Enero 13.

Agad na nagpulasan sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residente ng Albay dahil sa hindi inaasahang biglang pagsambulat ng makakapal na usok na sinabayan ng ‘ash fall’ mula sa tuktok ng Mt. Mayon.

Umabot ang pagbuga ng makapal na usok at abo sa ilang lugar sa probinsiya, samantalang umabot naman hanggang Legazpi ang pangangamoy ng ‘sulfur’ mula sa nasabing bulkan.

Agad namang inatasan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residente na maging alerto at ihanda ang mga sarili at gamit sa paglikas sakaling magtuluy-tuloy ang pagbuga ng makapal na usok at abo ng bulkan, at ipinagbawal din pansamantala ang anumang ‘human activity’ sa mga lugar na malapit sa bulkan.

Nabatid na nangyari ang pagsabog ng bulkan ilang araw matapos umanong nakawin ng ilang kawatan ang mga pasilidad ng Phivolcs para sa monitoring ng Mt. Mayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?