36
abante atm skimming bulgarian
By

Bulgarian national huli sa ATM skimming

Sharing is caring!

Isang Bulgarian National ang dinakip ng awtoridad makaraang mahuli sa aktong nagwi-withdraw ng pera sa automated teller machine (ATM) ng isang sangay ng Bank of Philippine Islands (BPI) gamit ang mga fake o cloned ATM cards sa Barangay San Agustin, San Fernando City, Pampanga kamakalawa.

Base sa report ng pulisya,nakilala ang suspek na si Ivaylo Sashov Galavov, Bulgarian national na nakumpiskahan ng anim na pirasong peke o cloned ATM cards, itim na wallet na naglalaman ng cash money na umaabot sa P2,100, isang Honda motorcycle, Alien Certificate ID Card at dalawang Bulgarian ID.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang San Fernando City police hinggil sa kahina-hinalang kilos ng banyaga habang kumukuha ng pera sa ATM ng BPI branch sakop ng Barangay San Agustin, ng nasabing lungsod kaya kaagad na rumesponde ang awtoridad at mahuli ang suspek habang gumagamit ng cloned ATM cards.

Inihahanda na ang kasong kriminal laban sa Bulgarian national sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration (BI) upang maberipika ang nahuling suspek kung sangkot ito sa international syndicate na sangkot sa ATM card fraud at kumikilos sa Central Luzon. (Jun Borlongan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?