54

Jun 23, 2022 @ 15:25
By

Bulatlat kay Esperon: Maglabas ng ebidensya sa mga paratang

Hinamon ng news website na Bulatlat si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na maglabas ng ebidensya kaugnay ng mga paratang na konektado sila sa mga komunistang grupo.

Ito’y matapos hilingin ni Esperon sa National Telecommunications Commission (NTC) na i-block ang mga website na may kaugnayan sa mga komunistang grupo, kasama na rito ang Bulatlat.

“It is not up to us to provide evidence because the action came from him [Esperon] ,” wika ni Bulatlat managing editor Len Olea sa panayam ng ANC ngayong Huwebes.

Bukod pa rito, umalma rin si Olea dahil bigla na lang umanong itinumba ng NTC ang kanilang website nang walang pasabi.

“We were not given any notice so there was no due process. I’m not a lawyer but I know I have, we have the right to at least be notified of any government action,” wika pa niya.

“And when we read about the NTC memo and consequently the letter from Hermogenes Esperon Jr, which was used as a basis for the memo, we were really angered because there was no basis at all, not even a single piece of evidence. Just a list without any substantial allegation,” dagdag pa niya.

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?