34

Oct 18, 2019 @ 17:24
By

Bulanadi sumabog ng 44 pts vs Altas

Swak sa No.4 spot ang San Sebastian College Stags matapos silang akbayan nina Allyn Bulanadi at RK Ilagan sa 99-95 panalo laban sa Perpetual Help Altas sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre.

Tumikada si Bulanadi ng 44 points habang 22 ang inambag ni Ilagan upang ilista ang 11-7 record at hindi na dumaan ang Stags sa playoff para sa semifinals.

Dahil sa panalo, nagunaw ang asam ng Mapua Cardinals na lumaro sa susunod na phase.

Nawalis ng defending champion San Beda University Red Lions ang 18-game elimination round kaya dumiretso na ito sa finals.

Maglalaban naman sa stepladder ang San Sebastian at no. 3 na Letran Knights, ang mananalo ay haharapin ang last year’s runner-up at no. 2 seed na Lyceum of the Philippines Pirates.

Hinawakan agad ng Stags ang nine-point lead sa first canto, 27-18, subalit natapyasan ito sa apat, 48-44, sa halftime.

Halos kontrolado ng San Sebastian ang laro pero naitabla ng Altas ang iskor sa 88-all.

Lalong bumangis sa opensa si Bulanadi, inako nito ang puntusan upang itakas ang panalo para sa Stags.

“For me, Allyn is ready for the big league. He’s proven it already many times,” saad ni head coach Egay Macaraya.

Nagtala si Alvin Capobres ng 10 markers para sa San Sebastian.

Kumana naman ang pambato ng Perpetual Help na si Edgar Charcos ng 22 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?