37

Jun 11, 2020 @ 19:47

Bulaklak ni Marian sariwa, mabango

Unstoppable talaga si Marian Rivera bilang ina, asawa, aktres, at negosyante! Kahit may kinakaharap na pagsubok at mga limitasyon dahil sa pandemic, tuloy pa rin ang nga flower business niya na Flora Vida sa paghahatid ng kanilang produkto.

Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Marian ang paparating na new collection sa pamamagitan ng dramatic video kung saan makikita siyang hawak ang preserved baby’s breath.

Caption ni Marian, “Sneak peek of our new collection. Can’t wait to share it with you soon.”

Well, sabi nga ng mga nakaamoy na ng mga bulaklak na pinagbibili ni Marian, na siya mismo ang gumawa, talaga raw sobrang bango ng mga ito, sariwang-sariwa at masarap singhut-singhutin, o samyo-samyuin.

Anyway, abala rin ang aktres sa kaniyang pag-aalaga sa mga anak na sina Zia at Ziggy at pagtulong sa mga frontliner. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?