175

Nov 14, 2017 @ 15:47

Bulag na Pinay, gold sa ASEAN Para-Games

Nag-uwi ng gold medal ang isang bulag na Filipina matapos sumali sa 9th Association of Southeast Asian Nations Para-Games.

Sabi sa report ng Unang Balita ng GMA News, nakuha ni Rosalie Torrefiel ang gold sa women’s javelin throw tournament.

Nangibabaw si Torrefiel sa Malaysia at Vietnam na nakakuha ng silver at bronze medals ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nakatakdang lumahok si Torrefiel sa isang javelin throw tournament sa Jakarta, Indonesia sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?