243

Aug 10, 2018 @ 12:05
By

Bulacan Vice Gov. Daniel Fernando at celebrity players, sanib-puwersa sa programang Bola Kontra Droga

Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Vice Gov. Daniel Fernando ang programang Bola Kontra Droga sa Bulacan State University sa Malolos.

Sa isinagawang presscon ng Bola Kontra Droga Basketball Shoot-out with Celebs sa BSU, dumalo ang ilang actor-players para makiisa sa kampanya ng Bulacan government na gawing drug-free lalo na sa mga kabataan ang nabanggit na lalawigan at ituon na lang ang kanilang atensyon sa paglalaro ng basketball.

Kasama sa mga naglaro sina Matt Evans, Joross Gamboa, Mark Herras, Marco Alcaraz, Joseph Bitangcol, Onyok Velasco at iba pa.

Inihayag ni VG Fernando na isinusulong nila na magkaroon ng magandang kalusugan ang kanilang mga mamamayan at maging sports-minded.

Sa tulong aniya ng mga kasamahan niya sa showbiz industry ay umaasa si Vice Governor na mas magiging epektibo ang kanilang programang Bola Kontra Droga.

Sinabi naman ni Joross na matagal na rin daw silang magkakasamang naglalaro ng basketball ng mga kapwa-artista. Pero mas masarap umano sa pakiramdam ngayong may purpose ang kanilang paglalaro — ito ay ang hikayatin ang mga kabataang umiwas sa droga at mag-basketball na lamang.

Katuwang ni Vice Gov. Daniel sa naturang kampanya si Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado, gayundin si Cong. Jose Antonio R. Sy-Alvarado at ang mga nabanggit na artista.

Kaugnay nito, magkakaroon ng tour ang nasabing grupo sa ilang public schools para maglaro ng basketball bilang suporta na rin sa kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?