43

By

Bulacan mayoral bet na nagmatigas sa arrest warrant, naaresto na

Sharing is caring!

Nadakip na ng mga pulis ngayong Disyembre 7 ang kandidato sa pagka-alkalde na nagkulong sa kanyang bahay noong Disyembre 6 para hindi siya masilbihan ng warrant of arrest sa kasong theft na kinakaharap nito sa Parañaque City.

Ayon sa ulat, pumasok mula sa ikalawang palapag ng bahay ni Andre Santos sa Barangay Poblacion II, Marilao, Bulacan ang mga miyembro ng SWAT at nagbato ng tear gas canister na nagresulta sa pagkakahuli sa dating konsehal dakong alas-kuwatro ng hapon.

Unang nagbarikada sa kanyang bahay si Santos noong Huwebes ng alas-otso ng gabi nang sisilbihan sana siya ng arrest warrant kaugnay ng P10-million qualified theft na isinampa ng isang negosyante.

Armado pa umano si Santos ng baril at granada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?