28

Feb 20, 2021 @ 21:06
By

Bulacan mayor, misis positibo sa COVID-19

Na-test na positibo sa coronavirus disease si Balagtas, Bulacan Mayor Eladio Gonzales Jr., at kanyang asawa.

Ayon sa ulat, kapwa asymptomatic ang senior citizens na mag-asawa.

Agad silang sumailalim sa test matapos mabatid na na-expose si Mayor Gonzales sa pasyenteng may COVID-19 habang naka-duty.

Samantala, pansamantala munang ini-lockdown ang Balagtas Municipal Hall para sa disinfection.

Si Gonzales na ang ika-sampung Bulacan official na dinapuan ng virus, kabilang si Gov. Daniel Fernando.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?