42

Jan 4, 2022 @ 8:41
By

Bulacan, Cavite, Rizal Alert Level 3 na rin

Inilagay na rin sa Alert Level 3 ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng sub-Technical Working Group on Data Analytics na itaas na rin sa alerto ang nabanggit na tatlong lalawigan.

Magiging epektibo January 5 hanggang January 15, 2022 ang pagtataas sa Alert Level 3 sa Bulacan,Cavite at Rizal.

“Due to a sharp increase of COVID-19 cases in the particular localities, the Inter-Agency Task Force (IATF) approved yesterday, January 3, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate Bulacan, Cavite, and Rizal to Alert Level 3,” ani Nograles.

Batay sa inilabas datos ng Department of Health nitong Lunes, nakapagtala sila ng 4,018 na mga bagong kaso ng COVID-19 at sa kasalukuyan ay mayroon ng 2,851,931 aktibong kaso sa bansa.

Unang inihayag ni Nograles na tinatalakay na ang posibilidad na ibalik ang paggamit ng face shield dahil sa mabilis na pagkalat ng kontaminasyon ng COVID-19.(Aileen Taliping)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?