233

Jun 18, 2021 @ 19:45
By

Bulacan airport ng SMC sisimulan nang itayo

Nalalapit na ang konstruksiyon ng world-class airport ng San Miguel Corporation (SMC) sa Bulacan.

Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, isasagawa ang groundbreaking ng Bulacan airport sa darating na 45 hanggang 60 araw.

Nagpahayag naman ng paghanga si Tugade kay SMC President at CEO Ramon Ang dahil sa tahimik na pagtatrabaho para sa P740-billion project sa gitna ng mga hamon dulot ng COVID pandemic.

“Siya ho ay tahimik na nagki-clearing. Siya ho ay tahimik na nagde-dredging. Siya ho ay tahimik na nag-moving out at tahimik na nag-cut at kumukuha ng right of way,” kuwento ni Tugade sa isang press conference.

Layon ng New Manila International Airport na mapaluwag ang mga paliparan sa bansa tulad ng Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City.

Target patakbuhin ang airport sa 2025.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?