21

Oct 12, 2020 @ 16:30
By

Bulacan airport franchise aprub na sa Senado

Inaprubahan na sa Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang isang panukala na magbibigay sa San Miguel Aerocity Inc., isang subsidiary ng San Miguel Holding Corp., ng 50 taong prangkisa para makapagtayo at mag-operate ng New Manila International Airport at adjacent Airport City sa Bulacan.

Ang House Bill No. 7507 na inisponsoran ni Senadora Grace Poe, chair ng Senate public services committee, ay nakakuha ng 22 affirmative votes, zero negative vote at zero abstention.

Kapag naging batas na ang franchise bill na ito, sisimulan na ang konstruksiyon ng P735 bilyong airport project sa taong ito.

Ang developer ay kailangang kumuha ng permit sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa konstruksiyon at operasyon ng paliparan.

Ang prangkisa ay magiging epektibo sa loob ng 50 taon at pagkatapos noon ay ibibigay ng grantee ang ownership ng airport sa national government.

Sa 10 taong construction period ng Bulacan airport, exempted sa lahat ng direct at indirect taxes at fees ang San Miguel Aerocity.

Sa mga natitirang taon ng prangkisa, ang airport developer ay exempted pa rin sa income at propery taxes hanggang sa mabawi na nito ang kanilang puhunan. Kapag nakabawi na doon pa lamang sila papatawan ng lahat ng buwis.

Ikinagalak naman ng mga senador ang pagpasa ng panukala lalo na’t maglilikha ito ng 400,000 trabaho sa kontruksiyon pa lamang ng paliparan.

“I am glad that this body has recognized that we really needed to pass these franchises, more than anything, to provide employment,” pahayag ni Poe sa kanyang manifestation.

“San Miguel Airport alone will provide 450,000 jobs during the construction phase alone. And then after that, upwards of a million people will be able to benefit from this undertaking; not to mention the hundreds of thousands of passengers that will fly in and out of the country everyday,” dagdag pa nito.

Giit naman ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, hindi lang mga taga-Bulacan kundi buong Pilipinas ang magbebenepisyo sa itatayong aerocity na ito.

“As we all know, the role of the private sector in nation building is indispensable. The government alone cannot provide all the essential social services to uplift the lives of our people without the support and vital participation of the private sector,” sabi ni Dela Rosa.

Inilarawan naman ng tubong Bulacan na si Senador Joel Villanueva na isang malaking pangarap ng mga Bulakeño na magkaroon ng isang world-class na airport. “It’s a dream come true for us,” sabi ni Villanueva.

Ang Bulacan airport ay inaasahang mag-a-accommodate ng hanggang 70 milyon pasahero kada taon.

Ang San Miguel Aerocity ay may projection na P50 bilyong profit o kita sa loob ng sampung taon kapag nagsimula na ito ng kanilang operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?