129

Apr 17, 2020 @ 9:53
By

Bukod sa ibang bansa: India nireklamo rin ang PPE mula China

Hindi magagamit ang higit 50,000 sa 170,000 personal protection equipment mula China na dumating sa India noong Abril 5.

Pumalya kasi ang mga ito sa quality test sa Defence Research & Development Organisation laboratory sa Gwalior, India.

Bukod pa ito sa mga naunang donasyon na 30,000 at 10,000 PPE kits, na ‘di rin nakalusot sa safety test, ayon pa sa ‘di tinukoy na source ng Economic Times.

Nagtamo na ang China, ang pinakamalaking supplier ng medical PPE sa mundo, ng mga reklamo mula sa iba pang bansa dahil sa mga depektibong PPE, face mask, at test kit na galing sa kanila.

Kabilang sa mga bansa ang Australia, Austria, Belgium, Britain, Czech Republic, Finland, Ireland, Malaysia, Pakistan, Spain, Turkey, at US.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?