19

Sep 27, 2020 @ 14:32
By

Bukod kina LeBron, Davis: Antetokounmpo pasok sa NBA Finals!

Maliban kina superstars LeBron James at Anthony Davis, isa pang tanyag na pangalan ang swak sa NBA Finals.

Ito’y walang iba kundi si Antetokounmpo, ngunit hindi ang back-to-back NBA MVP na si Giannis.

Parte ng Lakers squad ang nakababatang kapatid ni ‘Greek Freak’ na si Kostas, 60th overall pick noong 2018 NBA Draft.

Sa tweet ni Kostas, nag-celebrate ito sa kanyang unang NBA Finals appearance, na hindi pa nakakamit ng kanyang kuya na naglalaro naman para sa Milwaukee Bucks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?