137

Aug 10, 2021 @ 15:20
By

Buknoy Glamurrr ginawang juice holy water, kulong: Fake news po ‘yan!

Iginiit ng talent agency ni Buknoy Glamurrr na fake news ang balitang kumakalat na naaresto siya matapos umanong magtimpla ng orange juice gamit ang holy water.

“Yes, Buknoy committed mistakes in the past, but spreading fake news and mocking the Catholic Church is ungodly,” anang talent agency ng social media personality.

“Please be a responsible page owner,” dagdag pa nila.

Nito lamang nakaraang Biyernes nang kumalat ang isang post kung saan sinasabing naaresto siya sa Quezon City dahil sa paghahalo ng orange juice powder sa holy water ng St. Paul the Apostle Parish Church.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?