19,578

Feb 9, 2019 @ 21:08

Buking! Kim Domingo dumalaw noong nakakulong pa si Jinggoy

Inamin ni dating Senador Jinggoy Estrada na isang sikat na sexy actress ang bumisita noong nakadetine pa ito.

Sa press conference ni Jinggoy kasama ang mga entertainment people, naitanong kay Jinggoy kung sino ang nais niyang makasama bilang leading lady kung sakaling bumalik siya sa pag-arte.

Say ni Jinggoy, hindi umano niya kilala ang mga aktres ngayon, at sina Sharon Cuneta pa ang kanyang kilala hanggang sa ngayon.

Nang maitanong naman kung totong dumalaw sa kanila si Kim Domingo noong nakakulong pa sila ng kanyang kaibigan na si Bong Estrada, inamin ito ng tatakbong senador at pabiro pang sinabing ‘sexy pala’.

Naitanong din ds kanya kung gusto niyang makasama si Andrea Torres sa isang pelikula, ito ang kanyang naging tugon.

“Sino si Andrea?” sabi nito, at napa-sorry na lang dahil hindi niya knows ang Kapuso sexy actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?