24

May 31, 2020 @ 16:52
By

Building sinunog: Looting sa Chicago talamak!

Mapayapa na sana ang protesta ng libong tao sa Chicago para ikondena ang pagpatay kay George Floyd, ngunit ilang mga looter ang nanggulo at nanunog pa ng isang building sa nasabing US state.

Galit na humarap sa press conference si Chicago Mayor Lori Lightfoot matapos na lumala ang pagdagsa ng mga protester na nangugulo at nagsimula ng looting sa kanilang lugar.

Inanunsyo ng mayor ang curfew sa kanilang state dahil sa gulong nararanasan dulot ng mga looter.

Inaresto ang ilang tao matapos pasukin ang department store na Macy’s sa State Street, kung saan binasag ang mga bintana at pinagkukuha ang mga bentang gamit.

Samantala, isang gusali naman ang nasunog sa North Michigan Avenue, ilang oras matapos ding sunugin ang isang police mobile ng ilang raliyista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?