37

‘Build, Build, Build’ nagpatindi ng trapik sa EDSA

Sharing is caring!

Nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang lansangan ang tuloy-tuloy na road blocking at repair dahil sa mga ginagawang proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng “Build, Build, Build” project.

Alas-10:00 ng umaga kanina nagsimula ang matinding trapik sa northbound at southbound lane ng kahabaan ng EDSA.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na sa loob ng anim na linggo isasailalim sa re-blocking at road repairs ang kahabaan ng España Boulevard sa Maynila na sinalubong din ng masikip na daloy ng trapiko.

Nakadagdag din sa mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 7 sa Quezon City.

Bukod pa ang kawalan ng color coding kaya’t labu-labo sa lasangan ang mga sasakyan na karamihan ay dumaraan sa EDSA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?