24

By

Build, build, build jobs, ibigay sa uuwing OFWs mula Kuwait – solon

Sharing is caring!

Hindi na umano dapat kumuha ng mga manggagawa sa ibang bansa para sa mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, dapat ibigay ang trabaho sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na pauwing Pilipinas mula sa Kuwait.

Ginawa ni Herrera-Dy ang pahayag kasunod ng mga ulat na plano ng gobyerno na mag-import ng low-skilled workers mula sa China at Myanmar para mga infrastructure project na popondohan ng China.

Sabi ng kongresista, mae-engganyo ang mga OFW na umuwi lalo na kung tutumbasan ng gobyerno ang sinasahod ng mga ito sa Middle East partikular sa Kuwait.

“Given that our OFWs continue to die from abuse and other crimes in the Middle East, why not bring them all back home, convince them to work on Build Build Build, but pay them as they would be paid and rewarded in the Middle East—not at Philippine compensation and benefits levels,” ani Herrera-Dy.

Base sa reports, mangangailangan ang Build, Build, Build program ng halos 4 na milyong skilled at construction workers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?