9

By

Build, build for a better DOJ

Sharing is caring!

Pinagpalang pagbabasa po sa lahat!

Tunay pong pinagpala ang pasok ng bagong taon sa ating Department of Justice (DOJ). Sa loob po ng maikling panahon sa buwan ng Enero ay tatlong beses po tayong nagkaroon ng groundbreaking ceremonies sa iba’t ibang lugar.
In-Content-Google-Desktop

Una po ay noong Enero 17, 2018 kung saan, kasama ang ilang senior official ng inyong DOJ, tayo ay nag-groundbreaking sa proposed DOJ Administration Building.

Ito po ay nasundan ng kaganapan ng isa sa ating mga pangarap for a better DOJ, ang ating sariling DOJ Academy and Training Center na ginawan natin ng groundbreaking ceremonies noong Enero 19, 2018.

Kung mayroon pong Philippine Judicial Aca­demy para sa ating mga judges, ang mga kawani naman po ng ating DOJ family ay sa DOJ Aca­demy magkakaroon ng pagkakataon na mahasa at mapagbuti pa ang kanilang kaalaman.

Finally, we have an Academy we can truly call our own! Salamat po, Congressman Abraham “Bambol” Tolentino at Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino sa inyong tulong at suporta para magkaroon ang DOJ ng tahanan sa Tagaytay City. Mabuhay po kayo!

Ang huli po nating groundbreaking ay ginawa natin noong Enero 30, 2018 sa Lucena City para naman po sa DOJ Building natin sa Quezon Province.

May sarili nang ta­hanan ang inyong DOJ sa Quezon Province! Sa­lamat po kay Mayor Ro­derick “Dondon” Alcala para maging tunay at ganap ang balakin nating ito. Mabuhay po kayo!

Tayo po sa 2018 ay BUILD, BUILD, BUILD for a BETTER DOJ!

Sa mas makataru­ngang bukas, VIT-VIT natin ang isa’t isa!

Mabuhay po kayo!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?