12

Jun 10, 2021 @ 13:02
By

Buhay sa mga siyudad sa Europa, pinapangit ng pandemya

Nilabas na ng The Economist ang resulta ng taunang sarbey sa mga pinakamagagandang siyudad sa mundo pagdating sa uri ng pamumuhay, o pagiging ‘liveable.’

Nauna sa listahan ang Auckland, New Zealand; na sinundan ng Osaka at Tokyo sa Japan; Adelaide, Australia at Wellington, New Zealand.

Ayon sa The Economist, ang mga nabanggit na siyudad ang nanguna sa kasalukuyang edisyon dulot ng maayos nilang pagtutok sa pandemya.

“Auckland rose to the top of the ranking owing to its successful approach in containing the COVID-19 pandemic, which allowed its society to remain open and the city to score strongly,” saad ng The Economist.

Samantala, ang mga siyudad sa Europa na kadalasang nangunguna sa sarbey ay bumagsak ang ranggo dahil din mismo sa epekto ng COVID-19.

Ilan sa mga ito ang Vienna, Austria, na hinawakan ang unang puwesto mula 2018 hanggang 2020 ngunit ngayo’y nasa ika-12 puwesto na lamang.

Malaki rin ang ibinaba ng Hamburg, Germany, na bumulusok sa ika-47 na puwesto.

Sa kabilang dako, nasa pinakahuling pwesto ang siyudad ng Damascus, Syria, na patuloy na pinapahirapan ng digmaang sibil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?