16

Sep 16, 2020 @ 19:28
By

Buhay ni Madonna isasapelikula

Sunod na proyekto ng “Queen of Pop” na si Madonna o Madonna Louise Ciccone sa real name, ay movie tungkol sa kanyang buhay.

Si Madonna mismo ang magdidirek ng kanyang biopic at co-writer din ni Diablo Cody, ayon sa CNN report.

Wala pang title ang pelikula na idi-distribute ng Universal.

Ipakikita sa movie ang pagsikat ni Madonna, mula sa Catholic upbringing niya sa Michigan, hanggang sa lumipat siya sa New York City at naging international celebrity.

Ilan sa mga kanta ni Madonna ang “Material Girl” at “Like a Virgin”.

Nanalo siyang Best Actress sa Golden Globe Awards para sa “Evita” film noong 1996.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?