869
Buhay ni Dante Gulapa, itatampok sa 'Magpakailanman'
By

Buhay ni Dante Gulapa, itatampok sa ‘Magpakailanman’

Tampok sa “Magpakailanman” ang buhay ng binansagang “big papa” ng mga netizen na si Dante Gulapa.

Naging internet sensation si Gulapa dahil sa galing nito sa pagsasayaw.

Kamakailan ay hinangaan din siya sa pag-amin na dati siyang macho dancer at hindi niya ito ikinahihiya.

Nag-trending noon ang kaniyang dance version ng “Kahit Ayaw Mo Na”.

Si Kapuso hunk actor Jak Roberto umano ang gaganap na Dante sa “Magpakailanman” episode na “Viral Macho Dancer: The Dante Gulapa Story”.

Mapapanood ito sa darating na March 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?