62

By

Buhay ni Arnel Pineda, gagawing Hollywood movie?

Sharing is caring!

Balak isapelikula ang buhay ng Filipino singer na si Arnel Pineda.

Ayon sa report ng Hollywood-based news site na Deadline, ibinunyag ng “Crazy Rich Asians” director na si Jon M. Chu na nakikipag-team up ito sa Warner Bros para gawin ang buhay ni Pineda, na naging lead singer ng ‘80s rock band na Journey dahil sa YouTube video.

Nadiskubre ang naturang video ni Journey co-founder Neal Schon noong 2007.

Pinili umano ni Schon si Pineda dahil sa rare voice nito na maaaring pumalit sa powerful vocals ng umalis na original lead singer ng banda na si Steve Perry.

“The success of ‘Crazy Rich Asians’ has blown my mind and set me on a path to champion more unique inspirational stories that represent new perspectives from all around the world,” ani Chu sa pahayag sa Deadline.

Nagsimulang kumanta si Pineda sa isang pizza parlor noong 15-anyos pa lang siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?