10

Oct 17, 2020 @ 19:59
By

Buhay nakataya! Tiangco nanindigan sa 24-oras curfew sa minor

Nanindigan si Navotas Mayor Toby Tiangco na ipatupad ang 24-hour curfew para sa mga menor de edad hangga’t may community quarantine dahil sa COVID-19.

Sa kabila iyon na pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga edad 15 hanggang 65 na lumabas sa kanilang bahay.

“Nasa GCQ pa po tayo. Hanggang may quarantine, ipatutupad pa rin natin ang City Ordinance No. 2020-33 o 24-hour curfew sa mga menor de edad para matiyak ang kaligtasan ng mga kabataang Navoteño mula sa COVID-19,” paliwanag ng alkalde sa kanyang Twitter post, October 17.

“Walang saysay na hindi pwedeng pumasok ang mga bata sa paaralan pero pwede silang maglakwatsa. Dapat magkatugma ang ating mga patakaran. Buhay ang nakataya rito,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?