70

Nov 23, 2021 @ 18:02
By

‘Buhay na painting’ ng Pinoy artist viral online

Nabilib ang mga netizen sa realistic painting ni John Cyril Dojaylo mula sa Roxas City, Capiz.

Viral ang latest niyang obra na self-portrait na parang nakalabas siya sa canvas.

“Me, Myself and I (2). Remaking my original Painting na nag viral at kumalat around the world last year…and this time I want to make it more realistic,” saad niya sa Facebook post.

Nakaraang taon, nag-viral din ang painting niya at naitampok sa buong mundo.

Kilala si Cyril sa mga realistic painting na may illusion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?