berna-puyat-cesar-montano
By

‘Buhay Carinderia’ ni Cesar Montano, sarado muna

Sharing is caring!

Sinuspinde ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang proyektong “Buhay Carinderia” ni Tourism Promotion Board (TPB) Chief Cesar Montano.

Ayon kay Puyat, kailangan munang suriin ng Comission on Audit ang ginastang pondo ng bayan sa naturang proyekto, na ginagamit para ipakilala ang mga pagkaing Filipino na panghikayat sa mga turista.

“I will wait for COA to reply but until then I will not proceed with the Buhay Carinderia,” sabi ni Puyat.

Dagdag pa nito, nakausap na niya si Montano ukol sa isyu at ipinaliwanag naman sa kanya nito ang dahilan ng pagbibigay ng P80 million full payment kahit hindi pa nakukumpleto ang proyekto.

Aniya, iginiit sa kanya ni Montano na maayos naman ang lahat ng papeles ng proyekto at inaprubahan ito ng TPB Board.

Sinabi pa ni Puyat na naging sinsero naman si Montano sa kanyang paliwanag at muli lang din sinabi na hihintayin niya muna ang COA report bago niya ipaalam kung ano ang kahihinatnan ng proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?