140

Jan 27, 2020 @ 15:27
By

Buhay ang nakasalalay! Wuhan flights ibawal na – solon

Nais ng isang kongresista na tuluyan nang i-ban o huwag nang pahintulutang makalapag sa bansa ang mga biyahe mula Wuhan, China.

Giit ito ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun kasabay ng pagsasabing, buhay at kalusugan ng tao ang nakasalalay dito kung kaya’t hindi dapat na pa-easy, easy lamang ang mga awtoridad.

Sa halip, ayon sa kongresista, dapat maging agresibo at pro-active ang mga ito sa pagtugon sa sitwasyon.

Partikular na kinuwestiyon ng solon ang patuloy pang pagpapahintulot na makalapag sa bansa ang mga biyahe mula Wuhan na kumpirmado nang sentro ng outbreak ng nakakamatay na sakit

“Why were we still allowing flights from Wuhan to land in the Philippines in the first place? Why did we have to wait for their announcement of lockdown before deciding to prohibit entry of flights coming from a place already confirmed to be the epicenter of the outbreak of a fatal virus that has turned epidemic?,” giit pa ng kongresista.

Ayon pa sa kongresista, hindi na umano dapat na hintayin pa ng mga awtoridad ang bagong anunsiyo bago ikonsidera ang ban ng mga flight mula sa mga lugar na ito.

Apela pa nito sa Civil Aviation Authority of the Philippines at iba pang airport agencies gayundin sa DOH na gawin ang lahat ng nararapat na hakbang upang masigurong ligtas ang bansa mula sa nakamamatay na sakit bago pa man mahuli ang lahat at pagsisihan sa bandang huli. (Eralyn Prado)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?